Thursday, July 28, 2011

BRP Rajah Humabon


Ito ang pinaka malaking barkong pandigma ng Pilipinas (maliban sa BRP Gregorio del Pilar). Ngunit isa din ito sa mga pinaka lumang kagamitang pandagat ng Pilipinas.

**Ipinadala ito ng Gobyerno sa West Philippine Sea sa parehong araw na dadaan ang Haixun-31 ng Tsina sa nasabing teritory**

Nagsimula sa serbisyo ang nasabing barko noong nakaraan Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maaaring kinapitan na ng talaba ang kung anu anung laman dagat ang ilalim nito ngunit malaki ang naitutulong ng barkong ito. Sa pag dating ng BRP Gregorio del Pilar, sinasabing mag reretiro na ang BRP Rajah Humabon.

BRP Gregorio del Pilar


Isang "Hamilton Class" na barkong pandigma ang binili ng Pilipinas kay Uncle Sam sa halagang $10 million
. Pag papatunay na seryoso ang gobyerno sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan at pag protekta sa teritoryo ng bansa. Ang BRP Gregorio del Pilar ay kayang magsakay ng 180 katao at kayang bumyahe ng 14,000 "nautical miles". Meron din itong "76mm cannon", dalawang "25mm Bushmaster gun", at "close-in weapons system"

Ang ating West Philippines Sea

"Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas, pag tumapak ka sa Recto Bank para ka na din tumapak sa Recto Ave" Ilan lang yan sa pahayag ni PNOY sa nakaraang SONA (July 25, 2011). 

Ganito din ang saloobin ng mga kapwa ko pilipino na nagngingitngit sa pang babraso ng Tsina. Ayon sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pag aari ng Pilipinas ang mga nasasakupan ng "200 nautical mile exclusive economic zone". Nabibilang dito and Reed Bank (Recto Bank), Spratlys Island, at marami pang maliliit na isla. Taong 1982 pa nabuo ang nasabing kasunduan sa Karagatan, at ang mabigat dito kasama ang Tsina sa mga pumirma at sumang ayon sa nasabing kasunduan. 

Sa paninimula ng taong 2011,  ilang insidente ng pananakot at pang haharass ang naiulat laban sa Tsina. Nakakatakot isiping sa sarili nating teritoryo tayo ang dehado. Anu nga namang laban natin sa bansang kumpleto sa gamit pang digma. Mga barkong nakalalayag ng milya milya, mga eroplanong nagbabagsak ng bomba, at ekonomiyang tumatapat sa Amerikano. Kung gyera ang pag uusapan, walang wala na tayo. Ngunit hindi dapat maging hadlang ito upang ipaglaban natin ang ating teritoryo. Hanga ako sa hukbong sandatahan ng Pilipinas, sa kabila ng kakulangan ng kagamitang pandigma. Handa pa din sila sa anumang hamon ng sakim at mapang-abusong Tsina. Saludo para sa inyo!

Iminungkahi ng Pilipinas na idaan sa "International Arbitration" ang nasabing pag aagawan ng teritoryo upang maiwasan ang madugong komprontasyon ngunit tumanggi ang Tsina. At pinilit na kanila ang mga isla sa West Philippine Sea. Hangang ngayon nakabinbin pa din ang pagtatalong ito sa kawalan at naghihintay ng agarang solusyon. 

Para sa mga Tsinong pikit ang mata sa katotohanan, huwag nyo kaming subukan! Kahit tuldok lang kami sa mapa, kaya naming dalhin sa higante nyong bansa ang di matatawarang labanan ng lahi.